Naghain muli ng dalawang diplomatic protest ang Pilipinas kontra China dahil sa presensya ng Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nilarawan ng DFA ang ginagawa ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang ‘belligerent’, dahil sa umano’y panghaharang at radio challenge na nararanasan ng mga Pinoy tuwing nagpapatrolya sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (WPS), tatlong barko ng Chinese Coast Guard ang nakita sa Bajo de Masinloc. Kalayaan Island sa Palawan, at Ayungin Shoal.

Sa nagdaang linggo, umabot sa limang barko ng Chinese Coast Guard ang iligal na lumalaot sa teritoryo ng Pilipinas.

“China has no law enforcement rights in these areas,” ayon sa DFA. “The unauthorized and lingering presence of these vessels is a blatant infringement of Philippine sovereignty. ”

The post PCG hinarangan sa Bajo de Masinloc: 2 protesta kinasa kontra China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pcg-hinarangan-sa-bajo-de-masinloc-2-protesta-kinasa-kontra-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pcg-hinarangan-sa-bajo-de-masinloc-2-protesta-kinasa-kontra-china)