Nananatili umanong advocate ng mga karapatang pantao ang PDP-Laban sa kabila ng mga pagkondena mula sa chairman ng partido na si Pangulong Rodrigo Duterte sa karapatang pantao at mga tagapagtaguyod nito.

Ani PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, naniniwala silang tagapagtaguyod din ng human rights si Pangulong Duterte at nagbibiro lamang ito.

“When it comes to their opinions or comments about human rights, all partymates have their own personal opinions but the party was built on human rights… so party still remains as one of strongest
advocate for human rights,” saad ni Munsayac sa May 28 episode ng “The Chiefs”.

“Alam naman natin na mahal na president ay mahilig magbiro. Spokesperson always clarifies naman. The party is very firm, the party is pro human rights. We will protect human rights. Kung may ganitong pananalita ng chairman ay tingin namin nagbibiro lang siya,” dagdag niya.

“He likes to joke around since mayor… it’s his unique way of connecting with people. But again, PDP as a party hindi kunsintihin ang human rights violation,” patuloy niya.

The post PDP-Laban pro human rights – opisyal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pdp-laban-pro-human-rights-opisyal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pdp-laban-pro-human-rights-opisyal)