Naghain si Senate President Vicente Sotto III ng isang panukala para dagdagan ng P500 ang minimum na buwanang social pension ng mga mahihirap ng senior citizen.

Inihain ni Sotto ang Senate Bill No. 2243 na naglalayong amyendahan ang Senior Citizens Act at itaas ang halaga ng pensiyon ng mga indigent senior citizen.

Sa ilalim ng panukala, ang mga mahihirap na senior citizen ay tatanggap ng P1,000 buwanang pensiyon mula sa kasalukuyang P500 lamang.

“To address their pressing needs, this bill seeks to provide an additional financial assistance to indigent senior citizens. This is in the form of a monthly stipend amounting to an additional [P500] from the current social pension, for a total of [P1,000],” sabi ni Sotto sa explanatory note ng panukala.

“This will aid our indigent senior citizens defray the cost of daily subsistence and other medical needs,” dagdag pa nito.

Noong 2019, mahigit 3.7 milyong senior citizen ang nakatanggap ang buwanang social pension.

“These are 3,796,791 individuals who are struggling to meet with their needs for basic commodities and healthcare due to lack of permanent source of income since they can no longer work fully and seek gainful employment,” ani Sotto.

Bagama’t sa kasalukuyan ay available umano ang benepisyo at pribilehiyo sa mga senior citizen sa bansa, makukuha lang ito sa mga malls at malalaking service provider na hindi naman nila kaya dahil sa mataas na presyo ng mga paninda sa naturang mga establisimiyento.

“These discounts are mostly not available in the neighborhood stores and in their local wet markets,” ani Sotto.

“Thus, the rising cost of living and the added financial burden brought about by the present pandemic has taken a toll on our indigent senior citizens,” sambit pa nito.

The post Pensyon ng mahihirap na lolo’t lola, itaas sa P1,000 – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pensyon-ng-mahihirap-na-lolot-lola-itaas-sa-p1000-sotto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pensyon-ng-mahihirap-na-lolot-lola-itaas-sa-p1000-sotto)