Nanggalaiti si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa pagtukod ng mga health official sa paggamit ng Ivermectin bilang COVID-19 treatment.

Ayon kay Sotto, mas masama pa umano ang ginagawa ng Pfizer sa ating bansa dahil nais umano ng pharmaceutical company na mawalan ng pananagutan sakaling magkaroon ng masamang epekto ang kanilang bakuna.

“Ganun ang ginawa sa South America, kaya umayaw ang dalawang bansa na yung umayaw sa kanila sa Pfizer kasi sa atin ginagawa din. Sabi, ang gusto magpasa ng batas na hindi sila mananagot pag may masamang epekto yung vaccine nila,” sambit ni Sotto sa DWIZ.

Kinuwestiyon ni Sotto ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) kung bakit hindi umano pinapalagan ang Pfizer sa mga kondisyon nito.

“Bakit hindi pumapalag ang FDA, DOH at mga doktor? Dito sa preventive measure na sa tingin ng karamihan nakakatulong, pumapalag sila?” tanong ng senador.

Isa ang Pfizer sa mga pharmaceutical company na humingi ng indemnification sa Pilipinas sakaling magkaroon ng masamang epekto ang kanilang bakuna.

Nag-alok ng P500M ang gobyerno ng Pilipinas bilang indemnification fund, na gagamitin para mabigyan ng kompensasyon ang mga indibiduwal na magkakaroon ng matinding side effect sa bakuna.

“Pera-pera yan,” bintang pa ni Sotto, kung saan pinunto rin nito ang paghingi raw ng ‘bases’ ng Pfizer sa ilang bansa sa South America.

Ayon sa ilang report, humingi umano ang Pfizer sa gobyerno ng Argentina at Brazil ng mga sovereign asset, kasama ang military base at federal bank reserve, bilang collateral sakaling magkaroon ng legal battle.

The post Pera-pera lang! Pfizer masama ginagawa sa ‘Pinas – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pera-pera-lang-pfizer-masama-ginagawa-sa-pinas-sotto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pera-pera-lang-pfizer-masama-ginagawa-sa-pinas-sotto)