Handang pauwiin sa Pilipinas ang mga Pinoy na kasalukuyang nasa India dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso sa naturang bansa.

Ayon kay PH Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr, sa oras na magkaroon na ng commercial flight o kaya’y sapat na bilang ng mga pasahero ay ire-repatriate na ang mga Pinoy na gustong bumalik sa Pilipinas.

Aniya, sa ngayon ay mahirap pa ang flight patungong India dahil na rin sa travel ban na umiiral hanggang May 14.

Saad pa ni Bagatsing kakaunti pa lang ang Pinoy sa India na gustong umuwi, at kakailanganin ng 150 pasahero para sa repatriation flight.

“Sabi ni (Foreign Affairs) Secretary (Teodoro) Locsin, habang ‘di pa pwede ‘yan, siguro ‘pag June or middle of the month, ‘pag medyo okay na. Otherwise, we wait for the commercial flights to resume and then we can do that.” saad ni Bagatsing sa TeleRadyo.

Nitong Sabado ay umabot sa lampas 400,000 ang bagong kaso ng COVID-19 sa India, dahilan para umabot ang total case sa 19.1 million.

The post PH ambassador: Mga Pinoy sa India papauwiin sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-ambassador-mga-pinoy-sa-india-papauwiin-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-ambassador-mga-pinoy-sa-india-papauwiin-sa-pinas)