Hindi na poproblemahin ang pagre-renew sa oras na makakuha ng Philippine National ID o Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), libre ang pagkuha ng national ID, at lifetime na rin ang validity nito.

Ang mga kailangan lang mag-renew ay ang mga resident alien.

Magsisilbing valid ID ang PhilSys, na tatanggapin sa ilang establisimiyento tulad ng banko at iba pa.

Nitong April 30 ay binuksan na ang online registration para sa pagkuha ng PhilSys.

https://www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial/posts/958123091666904
The post PH National ID walang renewal, libre pa! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-national-id-walang-renewal-libre-pa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-national-id-walang-renewal-libre-pa)