Na-evacuate na ang mga Pinoy na nakabase sa mga lugar na sentro ng bombahan at engkuwentro sa Israel.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration head Hans Leo Cacdac, pinalayo na ang mga Pilipino sa Ashkelon, Ashdod at Gaza Strip.

Ang mga naturang lugar ay naging lugar ng bakbakan ng puwersa ng mga Israeli security force at teroristang Hamas.

“Sa ngayon, in-country evacuation at least sa 3 apektadong area,” saad ni Cacdac sa DZBB.

Aniya, wala pang napapaulat na nasawing Pinoy sa bakbakan sa Israel.

Aabot sa 29,473 kababayan ang nakatira o nagtatrabaho sa Israel, karamihan dito ay mga domestic worker o caregiver.

The post Pinoy sa 3 conflict area sa Israel nilikas na – OWWA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-sa-3-conflict-area-sa-israel-nilikas-na-owwa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-sa-3-conflict-area-sa-israel-nilikas-na-owwa)