Pinag-agawan ng ilang tanyag na unibersidad sa Amerika ang isang Pinoy na graduate ng Philippine Science High School – Central Mindanao Campus (PSHS-CMC).

Nakatanggap ng offer si Nathan Wayne Ariston sa ilang unibersidad sa USA tulad ng Georgia Institute of Technology, University of California-Irvin at Yale University, kasama pa din ang Nanyang Technological University sa Singapore.

Pinili ni Ariston ang Yale University kung saan plano niyang kumuha ng kursong major in physics.

“I feel so lucky for being part of the Yale Class of 2025. And it just excites me that I am given the opportunity to explore beyond anywhere I’ve been so far to learn and to contribute to the community there and eventually here as well,” ayon kay Ariston, na parte ng katutubong grupo na Teduray.

Si Ariston ang kauna-unahang graduate ng PSHS-CMC na nakakuha ng full scholarship sa Yale, na itinuturing na Ivy League School.

“I am prouder of where I came from than my academic achievements. I am proud of my ethnic identity,” aniya pa.

Si Ariston ay anak ng isang magsasaka at elementary school teacher, at sa oras na makapagtapos sa USA ay nais niyang bumalik sa Pilipinas para magsilbi sa mga lugar tulad ng Maguindanao at iba pang Muslim Mindanao area.

The post Pisay graduate nasungkit full scholarship sa Yale first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pisay-graduate-nasungkit-full-scholarship-sa-yale/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pisay-graduate-nasungkit-full-scholarship-sa-yale)