Tumaas ang kaso ng homicide sa bansa buhat nitong Abril, kasabay ng pagluluwag ng quarantine status sa ilang rehiyon.

Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management director Brig. Gen. Sterling Raymund Blanco Jr., 95 homicide case ang naitala nitong Abril, kumpara sa 78 case noong Marso.

Karamihan sa pagtaas ng kaso ay napansin sa Central Luzon, Bicol, Central Visayas at Soccsksargen.

Saad ni Blanco, ang mga kaso ay kalimitan nag-uugat sa mga pagtatalo o personal na alitan na nauuwi sa pananaksak o putukan ng baril.

Samantala, bumaba naman ang kaso ng murder nitong Abril, mula 100 ay naging 91 na lamang ang na-report.

Nakakita rin ng pag-unti ng rape case, mula 88 noong Marso ay 75 naman ang naitala nitong Abril.

The post PNP: Homicide sumirit sa pagluwag ng quarantine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-homicide-sumirit-sa-pagluwag-ng-quarantine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-homicide-sumirit-sa-pagluwag-ng-quarantine)