Iaalay ang buwan ng Mayo para sa ‘prayer marathon’ upang hilingin na matapos na ang COVID-19 pandemic na higit isang taon nang nararanasan ng buong mundo.

Nitong Sabado ay nanguna si Pope Francis sa Holy Rosary para masimulan ang prayer marathon.

“We join together in prayer with all the sanctuaries spread throughout the whole world, with the faithful, and with all persons of good will, to entrust into the hands of our Holy Mother the whole human race, sorely tried by this period of pandemic,” ayon kay Pope Francis.

Matapos ang introductory prayer ni Pope Francis ay isinagawa ang rosary ng ilang pamilya sa Roma, kasama na rin ang mga representative mula sa New Evangelization Movements.

Dito pinagdasal ng Santo Papa ang mga naapektuhan ng pandemya, namatayan, mga doktor, nurse, pari, pastoral worker, scientist at mga world leader.

“Most loving Mother, grant that the sense of belonging to one great family, in the awareness of the bond that unites us all, might grow in the world; so that, with a spirit of fraternity and solidarity, we might come to the aid of the many people who are poor and the many situations of misery. Encourage firmness in faith, perseverance in service, constancy in prayer,” bahagi ng dasal ni Pope Francis.

The post Pope Francis sinimulan prayer marathon vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-sinimulan-prayer-marathon-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pope-francis-sinimulan-prayer-marathon-vs-covid)