Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko tungkol sa mga social media page at site na umano’y nagaalok ng serbisyo para mag asikaso ng national ID.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, pinaalala ng PSA na ang website na philsys.gov.ph at Facebook page na PSAPhilSysOfficial lamang ang dapat puntahan at paniwalaan ng publiko pagdating sa pagaasikaso ng national ID.

Bukod dito, pinaalalahanan din ng PSA ang publiko na libre ang pagaasikaso ng national ID at maaari nilang ireklamo ang sinumang hihingi ng bayad tungkol dito.

Ilan daw sa mga pekeng Facebook page ay mga Buy and Sell page at mga page na pinangalanan ng PSA para makapanloko ng tao.

“Fake sites and third-party providers, such as Buy and Sell pages, do not operate with this security. Thus, these are prone to data leaks and misuse,” pahayag ng PSA.

“Registration to PhilSys is free of charge. Therefore, registrants must not spare any expense under any circumstances during the duration of the three-step registration process,” dagdag pa ng ahensya.

The post PSA: Mag-ingat sa mga pekeng ‘PSA’ site first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/psa-mag-ingat-sa-mga-pekeng-psa-site/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=psa-mag-ingat-sa-mga-pekeng-psa-site)