Arestado ang isang pulis sa isinagawang entrapment operation sa opisina ng Highway Patrol Group (HPG) nitong Lunes sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Kinilala ang suspek na si PSSg. Ronelo G. Tering-Tering, isang pulis na nakadestino sa HPG ng probinsya at residente ng Panabo City, Davao del Norte.

Ayon sa awtoridad, may nagreklamong negosyante sa kanila tungkol sa pangingikil ni Tering-Tering. Base sa reklamo, naniningil ang suspek ng P20,000 para mailabas ang naka-impound nilang sasakyan. Kalauna’y binaba rin ng suspek sa P5,000 ang singil.

Sa isinagawang entrapment operation ay huli sa akto ang suspek na tinatanggap ang marked money na P2,000.

Dinala na sa kustodiya ng Cabadbaran City Police Station si Tering-Tering.

The post Pulis sa Agusan tiklo sa pangingikil first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-sa-agusan-tiklo-sa-pangingikil/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulis-sa-agusan-tiklo-sa-pangingikil)