Matapos ang Sixth Man award ni Jordan Clarkson, isa pang dating Lakers player ang nakasungkit ng award ngayong 2020-21 NBA season.

Pinarangalan bilang NBA Most Improved Player si Julius Randle nang makakuha ng 98 first place votes mula sa 100 sports journalist.

Tinalo ni Randle sina Detroit Pistons forward Jerami Grant at Denver Nuggets scorer Michael Porter Jr.

Sa ika-pitong season ni Randle sa NBA, unang beses niyang napabilang sa NBA All-Star dahil sa career averages na 24.1 points, 10.2 rebounds at 6.0 assists.

Giniya din ni Randle ang New York Knicks sa playoffs, ang unang pagsampa ng NY sa post-season buhat noong 2013.

The post Randle waging Most Improved Player first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/randle-waging-most-improved-player/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=randle-waging-most-improved-player)