Pinaliwanag ni Gilas program director Tab Baldwin ang sitwasyon ni Fil-American Remy Martin, na matagal nang gustong maglaro para sa Philippine national team.

Ayon kay Baldwin, sa tingin nito’y hindi maaaring maglaro bilang local si Martin dahil sa Hagop rule ng Fiba, kung saan kailangan ay makakuha agad ang isang manlalaro ng Philippine passport bago ito tumungtong ng edad 16.

“Remy is a naturalized player. I don’t believe that he has been cleared to play as a local,” saad ni Baldwin sa panayam ng ‘Zoom In’.

“Again, he’s another player who’s a tremendous talent and has expressed his desire to represent the country. And if there was ever a need for a point guard, which I don’t really anticipate, we would certainly be looking at Remy,” aniya pa.

Paliwanag ni Baldwin, kung sakali lang na payagan ng FIBA na maglaro si Martin bilang local player ng Gilas ay siguradong mapapasama ito sa koponan.

Si Martin ay nakatakdang sumali sa 2021 NBA Draft, matapos ang kanyang apat na season sa Arizona Sun Devils.

Sa kanyang collegiate career, nag-average siya ng 19.1 points, 3,7 assists at 2.8 rebounds sa kanyang senior year.

The post Remy Martin puwede ba sa Gilas? Baldwin sumagot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/remy-martin-puwede-ba-sa-gilas-baldwin-sumagot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=remy-martin-puwede-ba-sa-gilas-baldwin-sumagot)