Nagpaulan ng tres si Austin Rivers sa fourth quarter upang tulungan ang Denver Nuggets na ibulsa ang 120-115 panalo kontra Portland Trailblazers sa game 3 ng kanilang best of seven first round playoff series nitong Biyernes (Philippine time).

Apat na three-pointers ang pinakawalan ni Rivers para makapagbigay ng sapat na kalamangan para sa Nuggets matapos itabla ng Blazers ang iskor sa fourth period.

Dahil sa panalo ay naangkin ng Nuggets ang 2-1 lead sa serye. Nagtapos si Rivers ng may 21 points, na siyang kinakailangang suporta ni leading MVP candidate Nikola Jokic na muling dominante sa kanyang 36 points at 11 rebounds.

Pinangunahan muli ni Damian Lillard ang Blazers sa kanyang 37 points at nag-ambag naman si CJ McCollum ng 22 points ngunit bigo parin ang Portland matapos mag foul-out ang sentrong si Jusuf Nurkic sa kalagitnaan ng final quarter.

The post Rivers rumagasa! Nuggets pinatumba Blazers first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rivers-rumagasa-nuggets-pinatumba-blazers/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rivers-rumagasa-nuggets-pinatumba-blazers)