Bukas si Bise Presidente Leni Robredo na makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang infomercial upang mapataas ang tiwala ng publiko sa pagbabakuna.

Inanunsyo ito ni Robredo sa kanyang lingguhang radio show nitong Linggo.

“Anytime. Sabihin lang sa akin kung ano gagawin ko, kailan, saan,” pahayag ng bise presidente.

Dagdag pa niya, ginawa na ng kanyang opisina ang paglabas ng isang infomercial sa social media upang palakasin ang tiwala ng publiko sa pagbabakuna.

“Wala pa nitong rollout at that time ginawa natin ito. Ginawa natin itong video na ‘to para makatulong sa vaccine awareness, vaccine campaign,” dagdag ni Robredo.

Kaya naman wala raw problema sa kanya kung silang dalawa ni Duterte ang parehas lalabas sa isang infomercial.

“Kung kinakailangan kami dalawa ni Pangulo ako anytime. Sabihin ko talaga dapat pinagtutulungan natin kung papaano lumakas ang tiwala ng tao sa pagpapabakuna.”

Ayon sa mga survey, nasa 47% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna, gayong 70% ng buong populasyon ang dapat mabakunahan upang maabot ang herd immunity kontra COVID.

The post Robredo, OK samahan si Duterte sa infomercial first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-ok-samahan-si-duterte-sa-infomercial/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-ok-samahan-si-duterte-sa-infomercial)