Hindi magpapabakuna si Pinoy gymnast at pambato sa Tokyo Olympics na si Carlos Yulo.

Ito’y base sa rekumendasyon ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion dahil posibleng makaapekto daw sa training ni Yulo ang pagpapaturok nito ng bakuna kontra COVID-19.

“I won’t let Caloy get vaccinated for now because it might affect his training physically,” saad ni Carrion.

Nakausap na umano niya ang atleta at pumayag naman ito na ipagpaliban muna ang pagpapabakuna.

“I told him after the Olympics na lang and he said, ‘It’s your decision, ma’am.’ We feel that it’s too close already and we don’t want anything to disrupt his training,” aniya pa.

Ayon naman kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino, hindi nila pipilitin na magpabakuna si Yulo dahil hindi naman ito requirement sa Tokyo Olympics.

Nitong Biyernes ay 700 Pinoy athlete ang nagpabakuna na, kasama dito ang sasabak sa Olympics at Southeast Asian Games (SEAG).

The post Sagabal daw sa training! Carlos Yulo ayaw paturukan ng bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sagabal-daw-sa-training-carlos-yulo-ayaw-paturukan-ng-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sagabal-daw-sa-training-carlos-yulo-ayaw-paturukan-ng-bakuna)