Makalipas ang halos dalawang taon, balik boxing ring si Manny Pacquiao para labanan si Unified Welterweight World Champion Errol Spence Jr.

Nagkasundo ang dalawang world’s best boxer na magsapakan sa Las Vegas, Nevada sa August 21.

Inanunsyo ito nina Pacquiao at Spence sa kani-kanilang Instagram account.

Ayon sa ulat, hindi pa kumpirmado ang mismong venue ng bakbakang Pacquiao-Spence.

Si Pacquiao ay kinokonsiderang future Hall of Famer. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon at may record na 62-7-2, 39 KOs.

Hawak naman ni Spence (27-0, 21 KOs) ang dalawa sa apat na major belts sa 147-pound division, at No. 4 pound-for-pound fighter ng ESPN.

Huling lumaban si Pacquiao, 42, noong July 2019 nang talunin si Keith Thurman via split decision upang makapitan ang WBA belt habang si Spence ay sariwa pa sa tagumpay laban kay Danny Garcia noong December 5, 2020 upang mapanatili ang kanyang WBC at IBF belts.

The post Sapakang Pacquiao-Spence kasado na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapakang-pacquiao-spence-kasado-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sapakang-pacquiao-spence-kasado-na)