Nitong Mayo 18 ay pormal ng kasama sa mga talent ng Viva Artist agency ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Ngunit bago pa man simulan ni Lorin, 17-anyos, ang karera sa showbiz ay usap-usapan na sa social media ang posibilidad na gumanap nito ng mga sexy roles.

Sa mga post kasi ng dalaga sa kanyang Instagram account ay ‘di maitatanggi ang taglay nitong ka-sexyhan at kagandahan.

Ayon kay Lorin, ayaw niyang gumanap sa mga sexy role.

“I think that’s a definite no, kasi with my Instagram photos and what I post on social media, it’s up to me, it’s my own decision and I’m in control of the narrative I want to put out. I’m in control of the picture I put out. I’m in control of what it looks like,” saad ni Lorin.

Dagdag pa niya, hindi siya kumportable sa ganitong mga eksena.

“Definitely when it comes to acting, I just don’t think I would feel comfortable for sexy roles yet because that’s something much bigger than just an Instagram photo,” dagdag pa ng dalaga.

The post Sexy roles, ‘di gusto ni Lorin Gutierrez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sexy-roles-di-gusto-ni-lorin-gutierrez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sexy-roles-di-gusto-ni-lorin-gutierrez)