Hindi inirerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III ang i-swab ang sarili para sa COVID-19 test.

Ito’y kasunod ng nag-viral sa social media kung saan makikitang nagsarili ang aktor na si Robin Padilla sa pagsa-swab.

Ayon kay Duque, may sinusunod na protocol sa pagsasagawa ng swab test at posibleng makaapekto sa resulta kung gagawin itong mag-isa.

“Hindi pwedeng sa sarili mo gagawin ‘yan dahil ang iyong resulta ay magiging kwestiyonable,” saad ni Duque.

“Kung hindi naman ito naaayon sa mga tamang pamantayan ay kaduda-duda ang magiging resulta so hindi natin dapat ginagawa ito,” aniya pa.

Matatandaan na dinepensa ni Binoe ang kanyang sarili dahil wala umanong doktor o health worker para mag-swab sa kanya.

The post Sey mo, Robin? Bawal magsarili sa swab test – Duque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sey-mo-robin-bawal-magsarili-sa-swab-test-duque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sey-mo-robin-bawal-magsarili-sa-swab-test-duque)