Siniguro ng San Miguel Foods na hindi sila kukulangin ng supply ng hotdog o luncheon meat kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga karne.

Ayon sa San Miguel Foods, na hawak ang Purefoods, mananatiling nasa merkado ang kanilang mga canned goods at refrigerated meat.

“Since the start of the pandemic, our Food business has strived to make our supply chains more agile and resilient. As a result, we have expanded our raw material supply sources, and have also increased our flexibility in terms of production,” saad ng San Miguel Foods.

Aminado naman ang kompanya na naapektuhan din ang kanilang supply dahil sa pagsirit ng mga presyo sa karne, at restriksyon sa pag-import dahil sa COVID-19 pandemic, African swine fever at ilan pang problema.

Ngunit kumpiyansa ang San Miguel Corp. na makapag-aadjust sila sa kanilang produksyon para manatili ang serbisyo sa mga mamimili.

“When you have enough meat and packaging materials, along with ample manufacturing capacity, you can ensure continuous supply. As we have done throughout the period of this pandemic, we can continue to provide for the needs of our consumers despite the present challenges,” ayon kay SMC CEO Ramon Ang.

The post SMC: Walang shortage ng Purefoods hotdog, luncheon meat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/smc-walang-shortage-ng-purefoods-hotdog-luncheon-meat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=smc-walang-shortage-ng-purefoods-hotdog-luncheon-meat)