Nais ng isang lady solon na suriin ang mga kaso ng pang-aabuso laban sa mga miyembro ng LGBTQ+ upang matukoy kung ilan sa mga salarin ang naparurusahan.

Ginawa ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pahayag matapos ang panggagahasa at pagpatay sa transgender man na si Ebeng Mayor.

Hiniling ni Herrera ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng House Committees on Women and Gender Equality, on Justice, on Revision of Laws, at on Public Order and Safety.

“I laud the PNP on the arrest of three suspects but this rape-murder of Ebeng Mayor is but the latest among many cases of rape, murder, assaults, and abuse of LGBTQ+ citizens young and old in recent memory,” sabi ni Herrera.

Ayon kay Herrera may pangangailangan na malaman kung ano ang nangyayari sa mga kaso mula sa pag-iimbestiga hanggang sa makapagdesisyon ang korte.

“We want to know the success rate from investigation, to arrest, to prosecution, to court trial and to conviction. We want to know why such cases fail and the extent of non-reporting of LGBTQ+ abuse, rape, and murder,” dagdag pa ni Herrera.

Nanawagan din si Herrera sa Kamara de Representantes na aprubahan ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality bill.

Naipasa ng Kamara ang panukala noong 17th Congress. Sa kasalukuyang 18th Congress mayroong 15 SOGIE bill na inihain.

“We will keep trying to have a SOGIE law approved because we must,” wika pa ni Herrera. “Until we have that SOGIE Law, we will use all the current applicable laws to be brought to bear upon the inhuman people who raped and killed Ebeng Mayor and other LGBTQ+ victims who deserve justice.”

The post Solon pinabulatlat kaso ng mga pang-aabuso sa LGBT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/solon-pinabulatlat-kaso-ng-mga-pang-aabuso-sa-lgbt/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=solon-pinabulatlat-kaso-ng-mga-pang-aabuso-sa-lgbt)