Sinabi ni Senate President Tito Sotto na kailangang pag-ibayuhin ng gobyerno ang subsidiya para sa mga manggagawa.

Sa panayam sa kanya sa DWIZ ngayong Sabado, ito lang aniya ang paraan para matulungan ang mga manggagawa dahil hindi pa kayang buksan nang tuluyan ang ekonomiya.

Marami raw silang inilagay sa Bayanihan 1 at 2 na tulong para sa mga nawalan ng trabaho.

Nagkakaroon lang aniya ng delay dahil sa hindi pagkakaintindihan ng ilang panig kaya nanawagan siya sa gobyerno na huwag nang patagalin pa ang paglalabas ng tulong sa mga manggagawa.

“Natatagalan ng konti, may nade-delay, may hindi naisplikang mabuti. Tulad narinig ko nagtatalo ang DOH at frontline workers, ang sinasabi nila i-release ang hazard pay, ang sa akin doon, ang dapat apurahin ay P100,000 nila per health worker, kapag ‘di nakakapasok, ‘pag may sakit,” sambit niya.

“Nasa bayanihan 1 at 2 ‘yan. Hindi dapat pagtalunan kung hindi sila nabibigyan ng additional pay. ‘Yun ang dapat sagot ng DOH sa kanya, merong P100K per health worker ‘pag nagkasakit at namatay P1M. ‘Yun ang dapat asikasuhin,” dagdag niya.

The post Sotto: Ayuda sa ‘Bayanihan Law’ huwag itengga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-ayuda-sa-bayanihan-law-huwag-itengga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sotto-ayuda-sa-bayanihan-law-huwag-itengga)