Nagkaroon na ng kasunduan ang Senado ang mga economic manager ng gobyerno hinggil sa polisya sa pork importation matapos ang mahabang diskusyon, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
“[Compromise] reached!” pahayag ni Sotto sa kanyang mensahe sa mga Senate reporter.

Sabi ni Sotto, kinakailangan umanong magkaroon ng balanse sa pagitan ng pagbabawas sa inflation rate at tiyaking ang bagong polisyal sa pag-angkat ng baboy ay hindi makakasira sa local hog industry.

“We had to strike a balance between accepting a formula in the reduction of inflation and the protection of the local swine industry,” sabi ni Sotto.

Hindi naman ibinunyag ni Sotto ang iba pang detalye sa naturang usapin at hahayaan na lang si Finance Secretary Carlos Dominguez III ang maghayag nito.

“I’ll let Sec Dominguez announce the figures we accepted after a seesaw of discussion on both MAV (minimum access volume) and tariff,” sabi ng Senate leader.

Ang kasunduan ay nabuo matapos magsagawa ang Senado ng tatlong pagdinig sa food security crisis dahil African swine fever (ASF) outbreak.

Abril 7 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 128 na pansamantalang nagbabasa taripa sa imported na baboy.

Bukod diyan, inindorso din ni Duterte sa Kongreso ang rekomendasyon ng Department Agriculture na taas ang pork import sa 400,000 metric ton mula sa kasalukuyang 54,000 MT.

The post Sotto: Senado, mga economic manager nagkasundo na sa pork importation first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-senado-mga-economic-manager-nagkasundo-na-sa-pork-importation/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sotto-senado-mga-economic-manager-nagkasundo-na-sa-pork-importation)