Nilarawan ni F. Sionil Jose si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘best president we ever had’.

Sa Philippine Star column ng National Artist for Literature, sinabi ni Jose na posibleng si Duterte na umano ang pinakamahusay na Presidente kasunod ni Ramon Magsaysay.

“It may turn out that for all his vulgar language, Rodrigo Roa Duterte may yet be, next to Magsaysay, the best president we ever had,” saad ni Jose.

Dahilan niya, mas ligtas umano ang Pilipinas sa panahon ni Duterte, ito’y sa kabila ng mga bintang na extrajudicial killing dahil sa ‘war on drugs’ ng Pangulo.

Sigurado rin si Jose na babangon daw ang Pilipinas sa nararanasang pagbagsak ng ekonomiya, kung saan nakikita ang 9.6 percent na pagbaba ng gross domestic product ng bansa nitong 2020.

Isa pa sa pinunto ng manunulat ay ang pagkabuo ng imprastraktura sa panahon ni Duterte, pati ang pagpuksa sa mga rebeldeng grupo.

“The Moro rebellion, I hope, will now wind down as the Moros themselves realize development will assure them peace. As for the communists, their terrorist front, the New People’s Army, is now under attack. I hope it is demolished soon,” ayon kay Jose.

The post Sunod kay Magsaysay: Best president si Duterte – national artist first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunod-kay-magsaysay-best-president-si-duterte-national-artist/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunod-kay-magsaysay-best-president-si-duterte-national-artist)