Sa resulta ng isang survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Lunes, mas maraming Pilipino ang tiwala sa mga bakunang Sinovac at Pfizer kumpara sa ibang brand.

Ang survey ay may 1,200 mga respondent at isinagawa mula Abril 28 hanggang Mayo 2.

Tinanong ang mga respondent kung aling brand ng bakuna mula sa mga aprubado ng Food and Drug Administration ang kanilang pipiliin.

Sa 10 bakuna na pagpipilian, 39% ang pumili sa Sinovac, 32% sa Pfizer-BioNTech, 22% sa AstraZeneca, 10% sa Johnson & Johnson.

Nakapagtala rin ang SWS ng 7% sa Moderna, tig-3% para sa CureVac, Sinopharm, Novavax at Sanofi-GSK, habang 2% lamang sa Gamaleya.

Sa isa pang tanong, kung saan kinwestyon kung saang bansa nais ng publiko na magmula ang bakuna, 63% ng mga respondent ang pumili ng US, habang 19% naman sa China.

Mula sa US ang Pfizer habang gawang China naman ang Sinovac.

The post Survey: Sinovac, Pfizer top choice ng mga Pinoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/survey-sinovac-pfizer-top-choice-ng-mga-pinoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=survey-sinovac-pfizer-top-choice-ng-mga-pinoy)