Iniimbestigahan na ang sumukong suspek na si Kyle Bonifacio ukol sa kumalat sa social media na nagbebenta ng slot para sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benjamin Abalos Jr, inaalam na ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation kung may iba pang sangkot sa bentahan ng bakuna.

“Dapat maimbestigahan talaga ito to get to the bottom of this, kung talaga bang mag-isa siya o talaga bang may kasama siya,” ayon kay Abalos sa ‘Unang Balita’.

Nitong Miyerkoles sumuko si Bonifacio, kung saan kinontra nito ang mga paratang ukol sa kanya.

Aniya, normal na estudyante lang siya at walang koneksyon sa mga local government unit (LGU) para magbenta ng slot sa pagbabakuna.

Ayon kay Abalos, inaalam pa ng awtoridad kung may sapat na ebidensya para kasuhan si Bonifacio.

The post Suspek sa ‘bakuna for sale’ aalamin kung may kakuntsaba first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suspek-sa-bakuna-for-sale-aalamin-kung-may-kakuntsaba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suspek-sa-bakuna-for-sale-aalamin-kung-may-kakuntsaba)