Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na karamihan ng mga Pilipino ay naniniwalang ang mga violator ng health protocol ang totoong dahilan ng pagkalat ng coronavirus disease sa bansa.

Sa nationwide survey na isinagawa mula Abril 28 hanggang Mayo 2, 79 porsiyento ng Filipino adults ang naniniwala habang 11 porsiyento ay itinuturo ang “kawalan ng paghahanda” ng gobyerno ang dahilan ng pagkalat ng coronavirus disease.

Samantala, sampung porsiyento naman ang nagsabing ang mga bagong variant ng COVID-19 ang dahilan kaya kumalat ang virus.

Kabilang sa mga health protocol laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng mga kamay at pagsunod sa distancing.

The post SWS: Mga pasaway sa protocol nagkalat ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sws-mga-pasaway-sa-protocol-nagkalat-ng-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sws-mga-pasaway-sa-protocol-nagkalat-ng-covid-19)