Nasa Alert Level 2 pa rin ang Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Sabado.

Sa kabila nito, walang mga lindol sa bulkan ang naitala ng Phivolcs sa nakalipas na 24 oras.

Naobserbahan naman ang katamtamang pagpapalabas ng mga steam-laden plume na may taas ng hanggang 200 metro sa pangunahing bunganga ng Taal.

Ayon sa Phivolcs, ibig sabihin ng Alert Level 2, posible ang pagsabog ng bulkan, lindol, ashfall at paglalabas ng volcanic gas.

The post Taal nananatili sa Alert Level 2 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taal-nananatili-sa-alert-level-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taal-nananatili-sa-alert-level-2)