Walang magaganap na pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) habang nasa ilalim ng state if calamity ang bansa.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11548.

Sa ilalim ng batas, tatagal ang deferment o pagpapaliban sa taas-singil sa kontribusyon sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon.

Layon ng batas na maibsan ang dinaranas na krisis ng mga miyembro ng SSS habang ang bansa ay nasa ilalim ng state of emergency ang bansa bunsod ng epekto ng COVID-19.

“Upon the recommendation of the Social Security Commission after consultation with stakeholders, the implementation of the one percent 2021 increase in contribution rates and the monthly salary credits may be suspended by the President of the Philippines for the duration of the state of calamity,” anang batas.

Ang batas ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong May 26,2021 at magiging epektibo makalipas ang 15 araw matapos mailathala ito sa pahayagan.

The post Taas singil sa SSS pinigilan muna ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taas-singil-sa-sss-pinigilan-muna-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taas-singil-sa-sss-pinigilan-muna-ni-duterte)