Sinolo ng isang Dabawenyo ang P181M na jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 nitong Miyerkoles.

Nahulaan ng mananaya mula Davao City ang winning combination na 23-43-29-32-36-04.

Samantala, wagi naman ng P32,000 ang 47 pang mananaya na nakakuha ng limang numero sa winning combination.

P1,000 namang ang nakuha ng 1,892 tumaya na tumpak sa apat na numero.

Binobola ang Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. 

The post Taga-Davao buwenas sa 181M lotto jackpot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taga-davao-buwenas-sa-181m-lotto-jackpot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taga-davao-buwenas-sa-181m-lotto-jackpot)