Muling inurong sa Miyerkoles ang regular Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa unang schedule ngayong Martes ng gabi.

Sinabi ni Roque na puyat ang mga opisyal mula sa pagdalo sa Peace and Order Council meeting sa Region 7 kaya itinakda ngayong Miyerkoles ang pagharap ni Pangulong Duterte sa publiko.

“Na-moved po muli, it was initially scheduled for tonight pero mamo-move po siya for tomorrow. The reason po is nakauwi na kami from Dumaguete, so medyo puyat po lahat ngayon including yung mga tao sa OP , so Wednesday po ang ating Talk to the People,” ani Roque.

Tuwing Lunes ang orihinal na Talk to the People ni Duterte subalit may mga pagkakataon na iniuurong ito sa ibang mga araw.

The post ‘Talk to the People’ ni Duterte nausog sa Miyerkoles first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/talk-to-the-people-ni-duterte-nausog-sa-miyerkoles/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=talk-to-the-people-ni-duterte-nausog-sa-miyerkoles)