Naglabas ng kulay asul, dilaw at pulang ilaw ang Telstra Tower bilang selebrasyon sa 75 taong diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Kada Mayo 22 ipinagdiriwang ng Pilipinas at Australia ang Philippine Australia Friendship Day.

Ayon sa Embassy of the Philippines in Canberra, ang asul at dilaw na inspired ng 75th anniversary logo ay sumisimbolo ng “common maritime heritage and our optimism that together, our two countries will continue to greatly contribute to peace, progress and prosperity in our region for the benefit of the next generations of Filipinos and Australians.”

Sa kanyang Twitter post ay pinasalamatan naman ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang Australia.

The post Telstra Tower pinailaw para sa PH-Australia Friendship Day first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/telstra-tower-pinailaw-para-sa-ph-australia-friendship-day/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=telstra-tower-pinailaw-para-sa-ph-australia-friendship-day)