Inalis na ng Department of Labor and Employment nitong Sabado ang suspensiyon ng deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos matanggap ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang sulat mula sa Saudi government kung saan sasagutin ng mga foreign employer at agency ang halaga ng quarantine at iba pang COVID-19 protocols ng mga OFW pagdating sa Saudi.

Matatandaang dahil sa temporary suspension ng OFW deployment sa nasabing bansa kaya na-stranded ang mga paalis na sana.

“The temporary suspension of deployment to the Kingdom is hereby lifted. I have advised the Philippine Overseas Employment Administration to immediately implement this directive and provide the necessary clearance to all our departing Filipino workers to facilitate their travel to the KSA,” saad ng Labor chief.

Noong Biyernes pansamantalang sinuspinde ng DOLE ang deployment ng mga OFW sa Saudi dahil sa mga report na inoobliga ang mga OFW ng kani-kanilang employer at foreign recruitment agency na balikatin ang gastusin sa mga health at safety protocol at insurance pagpasok sa bansa.

The post Tigil OFW deployment sa Saudi Arabia inalis na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tigil-ofw-deployment-sa-saudi-arabia-inalis-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tigil-ofw-deployment-sa-saudi-arabia-inalis-na)