Patay ang magkapatid ng Fil-American matapos silang bungguin ng isang driver na pumalag nang harangin ng pulisya.

Ayon sa report ng KTVU News, pauwi na sina Precious at Philip Nievas habang binabagtas ang West San Jose sa California noong April 26.

Dito sila nabangga ng isa pang kotse, kung saan napag-alaman na ang driver pala ng nakabunggo ay nagkaroon ng traffic violation ngunit hindi tumigil at humarurot hanggang sa matumbok ang sasakyan ng magkapatid.

Dineklarang patay ang magkapatid na Nievas, habang ang pasaway na driver at pasahero nito ay nagtamo lamang ng sugat.

Kakasuhan ang tsuper at pasahero nito ng gross vehicular manslaughter, kasama pa ang ilang kasong may kinalaman sa iligal na droga at firearms.

Naglunsad ng GoFundMe page para sa magkapatid na gagamitin para sa pagpapalibing nila.

The post Tinumbok ng driver na tumakas sa pulis: Magkapatid na Fil-Am todas sa car crash first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinumbok-ng-driver-na-tumakas-sa-pulis-magkapatid-na-fil-am-todas-sa-car-crash/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tinumbok-ng-driver-na-tumakas-sa-pulis-magkapatid-na-fil-am-todas-sa-car-crash)