Hindi na kailangan ng uling, gaas, microwave, atbp. para makapagluto ng itlog sa Pilipinas.

Ito’y dahil sikat pa lang ng araw ay sapat na para makapagprito ng itlog.

Pinatunayan ito ni Cecile JB, kung saan pinost nito sa Facebook ang ginawang experiment kung saan tinapat sa tirik ng araw ang itlog na nasa kawali.

Alas-12 ng tanghali nang ilagay nila sa kalsada ang itlog, bandang ala-1 ng hapon ay nagsisimula nang maluto ang puti ng itlog.

Alas-3 ng hapon ay ganap na itong sunny side up.

Kuwento ni Cecile sa report ng GMA News, aabot sa 35 hanggang 36 degree Celsius ang init sa kanila sa San Pedro, Laguna noong gawin ang eksperimento.

The post Tipid sa gas! Itlog naluto ng init sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tipid-sa-gas-itlog-naluto-ng-init-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tipid-sa-gas-itlog-naluto-ng-init-sa-pinas)