Retiro o tumakbo sa pagka-Bise Presidente?

‘Yan ang pinag-iisipan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III para sa 2022 national elections.

Aminado si Sotto na pumapasok sa isip niya na subukan masungkit ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa sa susunod na eleksyon.

“I have to admit I’m thinking about it unlike the other politicians who say they’re not running but on the day of the registration, nangunguna,” ayon kay Sotto sa panayam ng ANC.

“That’s if I do away with the other inclination which is to retire,” aniya pa.

Saad ni Sotto, lalaki ang ang tsansa na tumakbo siyang Bise Presidente kung magkaroon ng ‘upgrade’ sa naturang posisyon.

“That’s what I’m saying, you enlarge the program and the office of the vice president to be able to do that, something like that, if we do that, perhaps, yes, I will consider,” paliwanag ng Senate President.

Ilalatag ni Sotto ang kanyang plano pagtapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Tito Sotto interesado maging VP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tito-sotto-interesado-maging-vp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tito-sotto-interesado-maging-vp)