Nabakunahan na ng unang dose ng Sinovac vaccine si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasama ang kanyang asawang si Helen Gamboa.

“Hindi kami namili ng vaccine, basta sabi ko kung ano ang available yun ang gamitin. As senior citizens, it’s a blessing to get vaccinated regardless of the brand,” saad ni Sotto sa Facebook post ngayong Mayo 22.

Makikita sa larawan na nakahawak si Sotto sa kamay ni Gamboa habang tinuturukan.

The post Tito Sotto nagpabakuna na ng Sinovac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tito-sotto-nagpabakuna-na-ng-sinovac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tito-sotto-nagpabakuna-na-ng-sinovac)