Binanatan sa social media ang Isla Reta Beach Resort matapos magreklamo ang isang transgender woman sa kanyang naging karanasan sa naturang establisimyento.

Sa Facebook post ni Shannon Remotigue Gonzaga, sinabi nito na siya’y nabastos sa naturang resort sa Samal, Davao del Norte nang pagbawalan siya sa paggamit ng pambabaeng CR.

Pinaliwanag ni Shannon sa babaeng empleyado na siya’y isang transwoman at hindi gay.

“I educated her, saying that I am a transwoman, not gay, because I have been taking hormones since 18. In the first place, I never insisted that I am a woman and I should be allowed inside the female’s bathroom because I just wanted to take a shower,” ayon kay Shannon, base sa pagsasalin ng SunStar.

Giniit pa umano ng empleyado na magpakita ng katibayan na siya’y nagpa-opera para maging babae.

Dito na dumulog si Gonzaga sa manager ng resort, ngunit tila kinampihan pa nito ang empleyado dahil diniin na bawal daw talaga ang gay sa pambabaeng CR.

Paliwanag ni Shannon, hindi siya nagrereklamo dahil hindi siya pinapasok sa female restroom, ngunit aniya’y nakaramdam siya ng pamamahiya sa staff ng resort.

Sa Facebook post naman ng resort, sinabi na hindi na sila tatanggap ng transgender para maiwasan ang isyu ng diskriminasyon.

“We inform to the public we cannot accommodate transgender because we have no facility for them to avoid issues of discrimination,” saad sa post ng Isla Reta Beach Resort.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizen, kung saan reaksyon ng ilan ay dapat na magsarado na lang ang naturang resort dahil sa pagiging homophobic umano ng management nito.

The post Transgender binawal: LGBT community nanggigil sa Isla Reta Beach Resort first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/transgender-binawal-lgbt-community-nanggigil-sa-isla-reta-beach-resort/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=transgender-binawal-lgbt-community-nanggigil-sa-isla-reta-beach-resort)