Walang gilas ang 3×3 team ng Pilipinas sa idinadaos na Fiba 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria matapos yumukod sa Slovenia, 11-21 sa ikalawa nilang laro.

Bumulusok agad ang Slovenia at hindi pinaporma ang Gilas matapos umarangkada sa iskor na 15-3.

Mula rito ay hindi na nakalapit pa ang Gilas at bumagsak ang kartada sa 0-2 sa Group C ng torneo.

Dahil sa dalawang sunod na pagkabigo, kailangan ng Gilas na maipanalo ang dalawa nilang natitirang laro sa Biyernes, kontra sa Dominican Republic at France.

Bukod sa kailangan nilang manalo, kailangan ding matalo ang France at Qatar sa mga huli nilang laban para makaakyat sa susunod na round ang Gilas.

“Hopefully, the experience learned from playing in the first two games will help the team compete better in our last two outings,” positibong pahayag ni coach Ronnie Magsanoc.

Ang Gilas 3×3 team ay binubuo nina CJ Perez, Joshua Munzon, Mo Tautuaa at Santi Santillan.

The post Tsansa ng Gilas 3×3 team, lumalabo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tsansa-ng-gilas-3x3-team-lumalabo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tsansa-ng-gilas-3x3-team-lumalabo)