Patagong nagpakasal si UK Prime Minister Boris Johnson kay Carrie Symonds, base sa report ng ilang British media.

Ilang malapit na kaibigan at pamilya lang umano ng dalawa ang inimbitahan sa kasal.

Ilang opisyal naman sa UK ang kinumpirma ang kasal ni Johnson sa social media.

“Congratulations @BorisJohnson and @carriesymonds on your marriage today,” ayon sa tweet ni UK Work and Pensions Secretary Therese Coffey.

Noong February 2020 pa inanunsyo ng dalawa na sila’y engaged na, Abril naman nang parehong taon nanganak si Symonds sa panganay nila ni Johnson.

The post UK prime minister sikretong nagpakasal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/uk-prime-minister-sikretong-nagpakasal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=uk-prime-minister-sikretong-nagpakasal)