Namatay ang isa sa pinakamahusay na sentrong naglaro para sa Utah Jazz.

Pumanaw si Mark Eaton matapos maaksidente sakay ng kanyang bisikleta sa Summit County, Utah nitong Biyernes ng gabi.

Bandang alas-8:30 ng gabi, may nakakita kay Eaton na nakahiga sa kalsada na posibleng nabangga sakay ng kanyang bisikleta.

Ayon sa Summit County Sheriff’s Office, wala silang nakikitang posibilidad na may kotseng nakabangga kay Eaton.

11 taong naglaro si Eaton para sa Utah Jazz, kung saan nagwagi siya ng NBA Defensive Player ng dalawang beses.

“His presence continued around the organization as a friend and ambassador while giving back as a businessman and volunteer to his adopted hometown in Utah. We extend our deepest condolences to his wife Teri and their extended family. Mark will be greatly missed by all of us with the Jazz.” ayon sa pahayag ng Jazz.

Sa kanyang NBA career, nakakolekta ang 64-anyos na si Eaton ng 3,064 blocks, ikaapat sa all-time record ng liga.

The post Utah legend Mark Eaton todas sa bisikleta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/utah-legend-mark-eaton-todas-sa-bisikleta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=utah-legend-mark-eaton-todas-sa-bisikleta)