Humingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa nangyaring aberya sa isa nilang vaccination site.

Sa report ng Philippine News Agency (PNA), pinaliwanag ni QC Task Force Vax to Normal co-chair Joseph Juico na human error ang nangyari nang magkaroon ng mga sablay sa record sa kanilang booking system na eZconsult.

Ayon kay Juico, isang pasyente ang nagtungo sa Araneta Coliseum, kung saan imbes na ID number nito ang na-encode ay ang patient ID number ng kanyang tatay ang nalagay.

“We sincerely apologize for any confusion this may have caused some of our vaccine patients. Rest assured that the local government and eZConsult will address the matter to prevent its reoccurrence,” ayon sa QC government.

Saad naman ni Mayor Joy Belmonte, hindi na dapat mangyari ang katulad na insidente at nagpasalamat sa mga residente sa pag-report sa kanila tungkol sa problema.

The post Vaccine registration sa QC sumablay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vaccine-registration-sa-qc-sumablay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vaccine-registration-sa-qc-sumablay)