Mas kailangan umano na magbigay ng ayuda ang gobyerno ngayong bumagsak ng 4.2% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco makatutulong ang pagbibigay ng ayuda sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

“As COVID-19 continues to negatively affect the economy, there’s a growing consensus among members of the House of Representatives that the best tool to prevent a long economic downturn is for the government to go big on another relief package,” sabi ni Velasco.

Itinutulak ni Velasco ang pagpasa ng Bayanihan to Arise As One o Bayanihan 3 kung saan nakapaloob ang P405.6 bilyong stimulus package para sa pamilya at negosyong lubhang naapektuhan ng pandemya.

“There is also an urgent need to address the slowdown in the construction industry which, at negative 24.2 percent, is a major contributor in the decline of our GDP. With private sector infrastructure at a standstill, the government should take the lead in reinvigorating our construction sector,” wika pa ni Velasco.

Makatutulong din umano ang pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure program para ang ekonomiya at bansa ay makabangon.

The post Velasco: Bayanihan 3 mas kailangan sa pagbaba ng GDP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/velasco-bayanihan-3-mas-kailangan-sa-pagbaba-ng-gdp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=velasco-bayanihan-3-mas-kailangan-sa-pagbaba-ng-gdp)