Pinayagan ng Games and Amusements Board (GAB) ang paglarga ng Mindanao leg ng Pilipinas Super VisMin Cup.

Ayon sa pahayag ng GAB, kailangang sumunod sa ilang protocol ang VisMin Cup para magtuloy-tuloy ang aksyon sa unang season ng liga.

“The holding of Mindanao leg, which will strictly adhere to the ‘no license, no play’ policy, is conditioned on the submission of the regulatory requirements, such as health screening, drug testing, and related documents, as well as on continuing adherence to protocols and strict supervision of the games,” ayon kay GAB chairman Baham Mitra.

Matatandaan na sinuspende ng GAB ang Mindanao leg kasunod ng alegasyon ng game-fixing sa naging laban ng Siquijor at Lapu-Lapu City.

Dahil sa nangyaring insidente, natanggal ang koponan ng Siquijor, habang suspendido naman ang ilang coach at player ng Lapu-Lapu.

Sa May 30 inaasahang magsimula ang Mindanao leg ng VisMin Cup.

The post VisMin Cup Mindanao leg aprub sa GAB first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vismin-cup-mindanao-leg-aprub-sa-gab/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vismin-cup-mindanao-leg-aprub-sa-gab)