Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga local government unit na maglaan ng mga espasyo kung saan maaaring pumila ang mga gustong magpabakuna ngunit hindi naka-schedule.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung ito ay makakatulong upang maengganyo ang lahat na magpabakuna ay maaari itong gawin.

Ngunit paalala niya, “Organized dapat ‘yan na hinihiwalay mo ‘yung mga naka-walk in dun sa mga naka-schedule.”

“Dapat may target number lang for a day kung ilan lang ‘yung walk-in nila para hindi nagkakaroon ng crowding sa vaccination sites,” dagdag pa niya sa online press conference ngayong Biyernes, Mayo 21. (IS)

The post Walk-in lane sa mga vaccination center suportado ng DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walk-in-lane-sa-mga-vaccination-center-suportado-ng-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walk-in-lane-sa-mga-vaccination-center-suportado-ng-doh)