Bumalik ang bagsik ng kamao ni ‘Filipino Flash’ Nonito Donaire Jr.

Nakuha ni Donaire ang WBC bantamweight belt nang gibain si French boxer Nordine Oubaali via knockout sa Dignity Health Sports Park sa Carson California, nitong Linggo, oras sa Pilipinas.

Sa ikalawang round ay nagpakitang-gilas na si Donaire nang magpakawala ng matitinik na counter punch kay Oubaali.

Pagsapit ng third round, napabagsak ni Donaire ng dalawang beses ang French fighter sa bisa ng kanyang malutong na left hook, nakatawid pa sa susunod na round si Oubaali dahil naabutan ng bell.

Ngunit pagsapit ng fourth round ay doon na tuluyang napaupo sa lona si Oubaali at hindi na nakatayo ba dahil sa matinding uppercut na pinakawalan ni Donaire.

Dahil dito’y balik sa tuktok ng bantamweight division si Donaire sa edad na 38, angat ang record sa 41 win-6 loss, 27 sa panalo ay galing sa knockout.

The post World champion ulit! Donaire pinabagsak si Oubaali first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/world-champion-ulit-donaire-pinabagsak-si-oubaali/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=world-champion-ulit-donaire-pinabagsak-si-oubaali)