Labing-siyam na grade 12 graduates lamang mula sa Philippine Science High School System (PSHS) System ang tumanggap ng scholarship offer mula sa iba’t-ibang pamantasan sa ibang bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, 81 graduates ang nakatanggap ng scholarship offer sa halos 90 na pamantasan sa iba’t-ibang panig ng mundo, ngunit 19 lamang ang nais tumuloy.

“A total of 81 graduates got admission from 90 prestigious universities abroad mostly with full scholarships, and 19 of them accepting the offer,” pahayag ni de la Peña noong Biyernes.

Para sa pagtatapos ng school year 2020-2021 ay 1,330 grade 12 students ang magtatapos sa isang virtual graduation.

Ito na rin ang pangalawang sunod na taon na virtual ang graduation ng PSHS, na binubuo ng 14 campus sa buong bansa. (MJD)

The post 19 Pisay graduates, umoo sa offer sa ibang bansa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/19-pisay-graduates-umoo-sa-offer-sa-ibang-bansa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=19-pisay-graduates-umoo-sa-offer-sa-ibang-bansa)