Dumating sa bansa ang panibagong 1 milyong dose ng CoronaVac vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac nitong Huwebes ng umaga.

Sinalubong nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at testing czar Vince Dizon ang paglapag ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Dahil dito’y umabot na sa 10 milyong dose ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas, karamihan dito ay mula sa Sinovac.

Inaasahan din na ma-deliver ngayon ang 2.2 milyong dose ng Pfizer vaccine mula COVAX facility ngayong Huwebes.

Sa naturang supply mula COVAX, 210,600 ang mapupunta sa Davao at Cebu, ang matitira ay gagamitin sa Metro Manila.

The post 1M CoronaVac lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1m-coronavac-lumapag-sa-pinas/)