Dumating sa Pilipinas ang bagong batch ng CoronaVac vaccine mula Sinovac nitong Linggo ng umaga.

Sakay ang isang milyong dose sa Cebu Pacific flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 bandang alas-7 ng umaga.

Dahil sa panibagong padala ay umabot na sa 6.5 milyong dose ang natanggap ng Pilipinas na bakuna mula Sinovac.

Sinalubong nina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr. at ilan pang opisyal ng Chinese Embassy ang paghatid ng mga bakuna.

The post 1M Sinovac bakuna lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1m-sinovac-bakuna-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1m-sinovac-bakuna-lumapag-sa-pinas)